
Kung inyong natatandaan ito ang huling alok ni Mega Star sa kanyang patalastas na Super Ferry (noong mga taong halos hindi ko na nga matandaan). Ito rin ang madalas na marinig natin sa mga makukulit na mamang drayber ng pampasaherong mga sasakyan.
Isang imbitasyong nagmumula sa mga taong hindi mo naman talaga kakilala. Ngunit baklit ka pa tumutugon o sumasakay? Marahil hindi mo rin alam kung bakit, o di kaya’y sasabihin mong gwapo kasi yong nagyaya kaya doon ako, o di kaya naman ay wala lang kailangan ko talagang sumakay at makaalis. Sa iba’t – ibang kadahilanan tayo ay hindi nagkakasundo.
Kung ang isang tulad mo na ordinaryong tao dito sa napakalaking mundo ay pinara ng isang mama at niyayang sumakay, ikaw ba ay sasakay o hindi? Ang kasagutan nasa saiyo. Pero bilang payong kapatid. Isipin mo muna ang mga sasabihin ko at baka sakaling makatulong…
Una, kapag pinara ka ng isang estranghero at niyayang sumakay unang mong isaisip my pamasahe ba ako?..kung wala di bale na lang..pangalawa, kelangan ko ba talagang sumama?..mas maganda siguro maglakad na lang mraming benefits,…pangatlo, madadala ba ako ng sasakyang iyan sa aking destinasyon?…pwede naman kasi ng sarili kong paa di ba?…pang – apat, sinu – sino kaya mga makakasama ko sa dyip?…baka makasabay ako ng adik tapos pagnasaan pa ako…eeeeeeewwww….panglima, naligo ba ako?…kung hindi siyempre mangangamoy ako, kahiya man…pang – anim ikaw na bahala magdagdag.(hehehe) Sana kahit papaano akoa ay nakatulong saiyong desisyong sumukay sa imbitasyong sakay na…!
Sa buhay ng tao, lalo na sa panahong itong ay kay rami na ng mga bagay o kahit tao ang nagsasabi ng imbitasyong ito na lalo lamang nagpapahilo sa mga taong hindi makuhang magdesisyon ng nasa sarili nilang puso ang pasya. Partikular ito sa mga kabataang kamumuklat lang ng kanilang mga mata sa tunay na mundong umiinog sa ilalim ng araw. Kabataang kakalabas lang sa rehas ng paaralan, kakababa lang sa entablado ng karangalan bitbit ang premyo ng kanilang pawis at dugo. At sa kanilang paglalakad, itong mamang makulit ayan na naman nakaambang sa kanto habang pinagmamasdan ang inosenteng galaw ng kabataang bagong laya.
Kaya naman doon sa mga bagong layang kabataan, bago maniwala mag – isip – isip na muna, bago magdesisyon sa kung saan papatungo at kung tutugon sa alok ng isang imbetasyon. At kung sakaling ikaw ay nalilito sa mga naririnig na sigaw o alok o bulong ng mundong ito, ang tanging maipapayo ko saiyo batang paslit ikaw ay bumalik at humingi ng payo sa iyong May Likha at sinisiguro kong ikaw ay makakasumpong ng kasagutan sa yaong Likha.
Sa huling habilin, kabataang sinasabi ng pambansang bayaning si Rizal na pag – asa ng bayan, bago ka sumakay o tumugon sa isang imbetasyon kapakanan ay isaalang- alang ang lahat ng bagay bago sumuong sa tunay na laban ng buhay.
Sakay na………..!!!!!!!
________ by RAI




